Ang Pagtatanggol ng Misis sa kanyang Mister

ni Ka Kevin/ Ka Lonie (kasapi ng Kabataang Makabayan)
ISYU2 DAGLI

Kaarawan noon ng aking kapatid kaya lahat ng tao sa bahay ay abala. Si Mama ay naglalagay ng kurtina habang si Papa naman ay nasa kusina. Ako naman ay kumukuha ng dahon ng saging para ipambalot sa suman.

Aww-aww-aww-aww-aww!!!, nagsitahulan ang mga aso. Ano kaya ‘yong iniingay ng mga aso? Sakto naman sa aking paglingon, nakita ko ang papalapit na mga sundalo. Sa aking pagkabigla, napanganga ako at saglit na natulala.

“May anuhan dito, ‘no?” ang tanong sa akin ng isang maitim na sundalo.

“Ahh, ehh, bertdey po ng aking kapatid,” ang parang natutulala ko pang pagsagot.

Para namang bulang nawala si Papa dahil sa mabilis siyang nakatago. Pagkatapos kong masagot ang tanong ng sundalo ay dali-dali akong pumasok ng bahay at sumilip sa bintana. Subalit dahil sa nakita kong iniimbistigahan si Mama ng dalawang sundalo ay muli akong lumabas ng bahay at lumapit sa tabi ni Mama.

“Misis, ‘asan ang inyong mister?” pagulat na tanong ng isang matangkad at medyo may edad ng sundalo kay Mama. Sa tingin ko, iyon ang C.O..

“Ay naku sir, matagal na pong nasa Maynila. Nagtatrabaho, mga kalahating taon nang hindi nakakaisip umuwi,” sagot naman ni Mama.

“E sino naman ang nakakatulong n’yo sa paghahanapbuhay dito?” muling tanong nito kay Mama.

“Ay, malalaki na naman po ang mga anak ko kaya hindi naman po ako masyadong nahihirapan sa mga gawaing- bukid dito at pana-panahon naman ay nagpapadala ang asawa ko. Ay, pasok muna kayo, sir, sa aming bahay,” sabi ni Mama.

“Ay, hindi na misis, aalis naman din kami e,” sagot ng isang sundalo.

”Saan naman po kayo n’yan papunta?” tanong ni Mama.

“Sa kampo, misis. Bakit, magsusumbong ka sa mga NPA? Alam n’yo naman, misis, ang mga nangyayari sa mga pumapanig sa mga NPA…” sabi ng sundalo na may halong pananakot.

“A hindi sir! Wala nga akong alam sa mga NPA na ‘yan e!” sagot ni Mama.

“Mabuti naman, misis, at ‘wag kayong patutuloy ng mga NPA dito sa bahay ninyo. O p’ano, misis, aalis na kami,” sabi ng sundalo.

“O sige po,” sagot naman ni Mama.

Makalipas ang ilang minuto pag-alis ng mga sundalo, lumabas na din si Papa. “O, kung pinahabol n’yo ‘yon sa mga aso. Mga pakunwari pa, mga haling naman ang pagkatao,” ang sabi ni Papa habang tinitingnan kung babalik pa ang mga sundalo. Sa sinabi ni Papa ay nagtawanan kami.



NILALAMAN ng ISYU 2:

PAMBUNGAD

TULA
Kilusang Talsik
Kababaihan
Ang Hukbo ng Sambayanan
Kabataan
Mahal Kong Bayan
Masang Manggagawa
Mga Larawang Nagsasalita
Pilipino: Pulubing Nakaupo sa Ginto
Puso
Tula ng Pagkamulat
Ama Partido (Ang Partido)
Talsik
Tigsik sa Estado


KWENTONG BUHAY
Apat na Kasama, Iisang Landas

LIHAM
Mula kay Ka Aksel Santiago, para sa kanyang mga magulang

Mula kay Ka Jas, para sa mga kasama
Mula kay Ka Efren, para sa kanyang ina
Mula kay Ka Gigs, paa sa kanyang kapatid
Mula kay Ka Juck, para sa kanyang ina

KWENTONG KUSINA
Teka, Teka, Tumalsik!

Itlog

MAIKLING KWENTO / DAGLI
Ang Pagtatanggol ng Misis sa Kanyang Mister

Si Beki
Ubod


DULA
Putak
Ang Kwintas ni Andres


PARANGAL
Aldrin "Ka Tito" Briones

REPORTAHE
Serye ng Kampanya ng mga Kadre ng Partido sa Iba't Ibang Gawain, Isinulong
Armadong Pakikibaka, Paigtingin


AWIT
Mahal na Kasama
Anak Noh Banwa 


PASASALAMAT


 
Download ISYU2

No comments: