Mga Taktikal na Opensiba sa Rehiyong Bikol, Pinaigting sa Pagpasok ng 2016

ISYU4 REPORTAHE
(Tinipon mula sa pahayag ni Ka Maria Roja Banua, ang tagapagsalita ng NDF-Bicol, at mga reportahe nina Ka Nel, Ka Pogi at Ka Jeypi. Isinaayos ng istap ng Tilamsik.)

Sa sumadang ulat ng panrehiyong kumand na Romulo Jallores Command, umaabot sa limampung taktikal na opensiba ang isinagawa ng iba’t-ibang yunit at kumand ng BHB sa buong rehiyon, mula Enero hanggang Marso 2016. Layunin ng mga ito ay bigyang-diin ang kahalagahan ng armadong pakikibaka at muling pagtibayin at palaganapin ang saligang prinsipyo na ang hinahangad ng bayan na panlipunang pagbabago ay matatamo lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka, pangunahin sa anyo ng armadong rebolusyonaryong pakikibaka na sinusuhayan ng malawak na demokratikong pakikibakang masa.

Para sa buwan ng Enero 2016:

Enero 1: Bago magtapos ang kanilang unilateral ceasefire, kinubkob ng 83rd IB ang Tomas Pilapil Command sa Brgy. Lakilaki, Goa, Camarines Sur. Dalawa ang sugatan sa panig ng mga kasama habang dalawa ang patay sa panig ng kaaway. Nasamsam ng kaaway ang dalawang baril, bag at iba pang kagamitan ng mga kasama.

Enero 7: Inisparu* ng Armando Catapia Command si Ret. Sgt. Emen Sarzuela sa Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte dahil sa pagiging aktibo sa gawaing intel sa kabila na retirado na ito sa kanyang tungkulin.

Enero 7: Dinis-armahan ng Edmundo Jacob Command ang isang CAFGU sa Brgy. Patitinan, Sangay, Camarines Sur. Nakumpiska ang isang cal. 38 at isang shotgun na ginagamit sa pananakot at pang-aabuso.

Enero 24: Hinaras ng Nerissa San Juan Command ang PNP Public Safety Company (PPSC). Nalapitan ng mga kasama ang detatsment at pinaputukan ang kaaway na katatapos pa lang sa kanilang inuman at bidyoke sa Brgy. Tubli, Caramoran, Catanduanes. Sampung elemento ng PPSC ang patay.

Enero 26: Pinasabugan ng Nerissa San Juan Command ng command-detonated explosive (CDX) ang patrol car ng PPSC na nasa hangganan ng Brgy. Magsaysay, Virac, Catanduanes.

Enero 27: Hinaras ng Celso Minguez Command ang kaaway sa Brgy. Villa, Gubat, Sorsogon.

Enero 29: Hinaras ng Celso Minguez Command ang kaaway sa Brgy. San Antonio, Barcelona, Sorsogon.

Enero 30: Hinaras ng Celso Minguez Command ang kaaway sa Brgy. Bulacao, Gubat, Sorsogon.

Enero 31: Inisnayp ng Jose Rapsing Command ang limang kolum ng Regional Public Safety Batallion (RPSB) na sabay-sabay nagatake sa Brgy. Villapudo, Cataingan, Masbate. Isa ang patay sa tropa ng RPSB.

Para sa buwan ng Pebrero 2016:

Pebrero 3: Kinubkob ng kaaway ang Edmundo Jacob Command sa Brgy. Cayogkog, Bato, Camarines Sur. Nasawi ang dalawang kasamang sina Ka Chan at Ka Randy at nasamsam ng kaaway ang ilang baril. Sa kabila ng depensibang labanan, magiting pa ring nakapanlaban ang mga kasama at napatay din ang dalawang elemento mula sa panig ng 2nd IB.

Pebrero 4: Hinaras ng Santos Binamera Command ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Coyaoyao, Pio Duran, Albay.

Pebrero 8: Hinaras ng Tomas Pilapil Command ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Tabiguian, Caramoan, Camarines Sur.

Pebrero 9: Nag-sparu ang Norben Gruta Command sa Brgy. San Isidro, Libamanan, Camarines Sur. Napatay si Sarhento Rodel Rala na mula sa pinagsanib na Task Force 83rd IB at 93rd DRCPA habang isang Nieto Arias ng 22nd CAFGU ang sugatan at namatay din pagsapit sa hospital.

Pebrero 10: Hinaras ng Edmundo Jacob Command ang detatsment sa Brgy. Cristo Rey, Bato, Camarines Sur.

Pebrero 12: Hinaras ng Edmundo Jacob Command ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Payak, Bato, Camarines Sur.

Pebrero 12: Na-engkwentro ng mga kasama ang isang platun ng 31st IB sa Brgy. Bulacao, Gubat, Sorsogon. Nakaunang magpaputok ang mga kasama. Isa ang sugatan sa panig ng kaaway.

Pebrero 13: Nagsagawa ng demolisyon ang Edmundo Jacob
Command sa Brgy. Lubong, Bato, Camarines Sur laban sa 2nd IB na naglalakad galing sa isinagawang operasyon sa lugar. Napatay ang dalawang elemento ng kaaway.

Pebrero 14: Hinaras ng Edmundo Jacob Command ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Francia, Bula, Camarines Sur.

Pebrero 21: Hinaras ng Jose Rapsing Command ang detatsment sa Brgy. Monreal, Isla ng TIcao, Masbate. Tumagal ng 20 minuto ang putukan; nasawi sa labanan ang CO ng kaaway at isang sundalo ang nasugatan.

Pebrero 21: Tatlong magkakasabay na operasyong haras ang isinagawa ng tatlong tim ng mga yunit milisya sa pamumuno ng Jose Rapsing Command sa Brgy. Talisay, Brgy. Buenavista at Brgy, Altavista na inokupa ng kaaway sa kanilang PDT (Peace Development Team) Operation sa bayan ng San Fernando, sa isla ng Ticao, Masbate.

Pebrero 24: Hinaras ng Tomas Pilapil Command ang headquarters ng Alpha Coy Company ng 83rd IB sa Brgy. Bikal, Caramoan, Camarines Sur.

Pebrero 24: Nadepensiba ang Celso Minguez Command sa Brgy. Bentuco, Gubat, Sorsogon. Nasugatan ang isang kasama, habang isa ang patay at dalawa ang sugatan sa panig ng kaaway.

Pebrero 26: Hinaras ng Tomas Pilapil Command ang detatsment sa Brgy. Bataan, Tinambac, Camarines Sur.

Pebrero 27: Inisnayp ng Santos Binamera Command ang 22nd IB na nakapwesto sa kanilang bagong detatsment sa Daraga, Albay. Namatay si Sarhento Florenzo.

Pebrero 28: Hinaras ng Santos Binamera Command ang kaaway sa Brgy. Bascaran, Daraga, Albay.

Pebrero 28: Pinarusahan ng Edmundo Jacob Command si Edgar “Puting Ongos” Lauderis na taga-Brgy. Duran, Balatan, Camarines Sur sa kasong pagpapakubkob sa kasama noong Pebrero 3, 2016. Bago naganap ang aktwal na atake ng kaaway, ilang ulit na pabalikbalik si Lauderis, na nakasakay sa kabayo, upang isagawa ang huling pagkuha ng impormasyon. Matapos ang nasabing labanan nasamsam ng kaaway ang pondong nakalaan para sa proyektong patubig na ginastos nito sa pagpapainom at pamamalengke.

 

Para sa buwan ng Marso 2016:

Marso 3: Hinaras ng Norben Gruta Command ang isang platun ng kaaway na naglalakad mula sa kanilang isinagawang operasyon sa Brgy. Tanag, Libmanan, Camarines Sur.

Marso 3: Nagsagawa ng demolisyon ang Jose Rapsing Command laban sa kaaway sa Brgy. Badjang, Cataingan, Masbate. Pinasabugan ng CDX ang sinasakyan ng Provincial Commander ng Masbate na si Col. Sampaga nang pauwi na ito galing sa inagurasyon ng school building na ginagawa ng Engineering Batallion ng Philippine Army sa Brgy. Buenasuerte at Tanque sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate. Nawasak ang kanilang bagong PNP mobile car; dalawa ang patay at isa pa ang sugatan sa kaaway. Mabilis na iniharang sa hi-way ang nakasunod na APC (armored personnel carrier/ tanke) at iba pang trak ng kaaway at isinakay ang mga kaswalting kaaway, kasabay ang kanilang opisyal.
      
Marso 4: Nagsagawa ng demolisyon ang Jose Rapsing Command sa Sitio Breeding, Brgy. Acid, Masbate City. Pinasabugan ng CDX ang isang 6×6 na trak ng Philippine Army habang ito ay pauwi na sa kanilang Batallion Headquarters. Ayon sa mga saksi, marami ang sugatan bagamat nakalayo ang nasabing trak bago huminto.

Marso 6: Nagsagawa ng demolisyon ang Jose Rapsing Command sa Brgy. Cabangcalan, Placer, Masbate. Dalawang bomba ang idinikit sa dalawang bahay na ginamit ng kaaway na bumibilang sa 27-30 tauhan. Tinarget pangunahin ang bahay kung saan nagiinuman ang mga tropa ng kaaway.

Marso 14: Hinaras ng Norben Gruta Command, sa pamamagitan ng paghagis ng granada, ang mga elemento ng Philippine Army na umokupa sa Brgy. Hall ng Salvacion, Pasacao, Camarines Sur. Nagresulta ito sa pagkakasugat ng tatlong sundalo. Samantala, sa kabilang gusali na kadikit ng Brgy. Hall, nagtakbuhan ang mga sundalo, na nagresulta sa pagkadagan at pagkasugat ng kapitan ng baryo.

Marso 15: Naglunsad ng labindalawang koordinadong aksyon ang Romulo Jallores Command sa Bikol:

1:00 am: Hinaras ng Jose Rapsing Kumand ang detatsment
ng 1st platoon ng 22nd IB sa Sitio Anapog, Poblacion, District 2, Claveria sa Isla ng Burias, Masbate. Dinikitan ito ng isang CDX at pinuntariya ng 3 bala ng M203 at bigas-bigas (improvised na granada). Matapos ang matinding palitan ng putok na tumagal ng 20 minuto, ligtas na umatras ang mga kasama.

4:45 am: Pinasabugan ng CDX ang kaaway sa Brgy. Malinta, Masbate City nang madiskubre ng clearing ang wire.

5:00 am: Pinasabugan ng CDX ang mga kaaway sa Brgy.
Tunga, Esperanza, Masbate.

7:00 am: Pinasabugan ng CDX ang kaaway sa Brgy. Badling,
Uson, Masbate.

7:20 am: Pinasabugan ang mga kaaway sa Brgy. Banadero, Mobo, Masbate matapos ilang ulit na binalikan ng clearing ang
nasabing lugar.

8:48 am: Inambus ang kaaway sa Brgy. Lagundi, Batuan  sa isla ng Ticao, Masbate. Nawasak ang kanilang bagong PNP mobile car, lulan ang walong elemento ng pinagsanib na RSPB at PNP-Batuan na aktibo laban sa kilusan. Apat na kasapi ng RPSB na mula sa augmentation force para sa eleksyon ang nasawi habang sugatan naman ang apat na pulis ng Batuan na sina Chief of Police Senior Inspector Aldren Rosales Altarijos, SPO1 Amado Albiola, PNP Officer Junjun Alidogan, PNP Officer Almodiel.

9:00 am: Pinasabog ng CDX ang kaaway sa hangganan ng Brgy. Quezon at Brgy. Magsaysay, Uson, Masbate.

10:25 am: Pinasabugan ng CDX ang mga kaaway sa Brgy. Bontolan, Uson, Masbate.

10:30 am: Pinasabugan ng CDX ang kaaway na gumagawa ng bagong detatsment sa Sitio Public, Brgy. Poblacion 1, mismong sa sentro ng munisipyo ng Balud sa Masbate.

11:00 am: Pinasabugan ng CDX ang kaaway sa Brgy. Menio, San Fernando, Masbate, na malapit mismo sa dalawang detatsment.

2:00 pm: Pinasabugan ng CDX ang kaaway sa Sitio Lantawan, Brgy. Danao, Batuan, Masbate, malapit sa sentro ng munisipyo.

5:00 pm: Pinasabugan ng CDX ang mga kaaway sa Brgy. Mabatobato, Mandaon, Masbate.

Marso 19: Nagsagawa ng operasyong haras-demo ang Celso
Minguez Command sa Brgy. Union, Gubat, Sorsogon. Pinasabugan ng CDX ang 31st IB. Lima ang patay at tatlo ang sugatan sa panig ng kaaway.

Marso 20: Nagsagawa ng demolisyon ang Armando Catapia Command. 8:30 am, nasapol ng pagputok ng CDX ang isang sasakyang militar habang papalabas ang 49th IB sa kanilang Batallion Headquarters sa Brgy. Mahawanhawan, Labo, Camarines Norte. Pito ang nasugatan na sina Cpl. Reynaldo Revira, PFC Ricky Obena, PFC Carlo Durisa, PFC Urbano at tatlong babae na tinatawag nilang ‘military dependents’ na sina Imelda Tayag, Hanna Durisa at Cate Caya.

Marso 21: Nadepensiba ang Norben Gruta Command, 5:30 pm, sa Brgy. Tible, Lupi, Camarines Sur. Tumagal ng 45 minuto ang labanan; namatay sina Ka Jack at Ka Hadjie at nasamsam ng kaaway ang dalawang HPR. Namatayan din ng dalawang sundalo ang kaaway.

Marso 21: Hinaras at pinasabugan ng CDX ang detatsment ng 22nd IB sa Brgy. Pili-Tabiguian, Caramoan, Camarines Sur.

Marso 22: Napaengkwentro ang Norben Gruta Command sa Brgy. San Rafael, Lupi, Camarines Sur; isang kasama ang sugatan at limang sugatan naman sa panig ng kaaway.

Marso 22: Na-engkwentro ng Jose Rapsing Command ang pinagsamang yunit ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) at 9th IB na may layuning kubkubin sana ang mga kasama sa Brgy. Jangan, Balud, Masbate. Pagdaong ng bangkang sinasakyan ng mga kaaway, inunahan nang barilin ito ng mga kasama. Agad na namatay ang dalawang sundalo at nasugatan ang tumatayong CO ng nasabing tropa ng kaaway.

Marso 22: Pinarusahan si Lenlen Bellarin, taga-Brgy. Tugoron, Monreal, Masbate dahil sa pagiging masugid na giya sa mga operasyong militar, pagtuturo ng kung sinu-sinong residente bilang yunit-milisya daw at pagpapahayag ng mga gawagawang kwento laban sa kilusan sa mga pulong na inilunsad ng PDT/ BTA na naglalayong wasakin ang mga nakatayong istruktura ng demokratikong gobyernong bayan sa isla ng Ticao sa Masbate.

“Kamtin ang Mas Malalaking Tagumpay sa Digmang Bayan!”

Ito ang mensahe ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng BHB sa pamumuno ng Partido Komunista ng Partido noong Marso 29. Bahagi ng pagsalubong sa anibersaryo ang paglunsad ng isang yunit ng Armando Catapia Command ng magkakasunod na aksyong pamamarusa at opensiba laban sa berdugong militar ng 49th IB sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ginawaran ng parusa sina:

Emman “Gunfight” Sarzuela, nakatira sa Brgy. Mapulot, Tagcawayan. Si Gunfight ay dating elemento ng militar at aktibong intel ng kaaway laban sa rebolusyonaryong kilusan. Sangkot din siya sa iligal na pagtotroso at pagpapalaganap ng iligal na droga sa lugar.

Cesar Diones, nakatira sa Brgy. Malaya, Labo. Isa si Diones sa naging kasangkapan ng militar sa pamamaslang kay Kapitana Bermas. Bago ang pamamaslang, sa bahay ni Diones tumutuloy ang intel ng kaaway para manmanan ang lahat ng kilos ni Kapitana.

Romulo “Lose Power” Bongat, taga-Purok 7 ng Brgy. Dumagmang, Labo. Pinarusahan siya sa kasong panggagahasa sa mismong pamangkin ng kanyang asawa at sa isa pang dalaga.

Fermin Boras, sa kasong pagpapagamit sa kaaway sa anyo ng paggiya sa mga operasyong militar, pagpapakubkob at pagsurender ng mga istak na gamit ng mga kasama. Naganap ang mga pamamarusa sa magkakasunod na buwan ng Enero at Pebrero 2016. Sila ay hinatulan ng parusang kamatayan ng Hukumang Bayan dahil sa pagkakanulo sa rebolusyonaryong kilusan, mga kasong paglabag sa karapatang pantao at pagpapalaganap ng droga sa ilang baryo ng bayan Labo.

Noong Marso 21, naglunsad ng demolisyon ang isang tim ng pulang mandirigma at Milisyang Bayan sa isang 6x6 na trak na may sakay na 24 sundalong mula sa detatsment ng 49th IB sa Brgy. Mahawanhawan, Labo. Dalawang CDX ang ikinabit mahigit 250 metro mula sa nasabing detatsment. Noong alas-otso ng umaga, dumaan na ang trak; mabilis na nakapag-ulat ang look-out kaya kaagad na nai-blast ang bomba. Hindi nakapagcounter ang kaaway sa malakas na impak ng pagsabog. Ilang minuto ang nakalipas ay inistrapping ng mga sundalo ang bundok sa may pinagyarihan. Batay sa ulat at nakita ng mga masa sa lugar, mayroong 4 na patay at mga sugatan. Mabilis at ligtas na nakapagmaniobra ang isang tim ng mga pulang mandirigma.

Ang mga aksyong ito ay tumutugon sa hinaing ng mga mamamayang patuloy na napagsasamantalahan at nabibiktima ng paglabag sa karapatang pantao. Ilan dito ang pagsasamantala sa mga kababaihan, pananakot o psywar, at pagpapalaganap ng mga ipinagbabawal na droga na pangunahing dinedepensahan ng mga matataas na opisyal ng militar.

 ---

Maging sa panahong nalalagay sa depensiba ang hukbo, naitatransporma ito tungong opensiba dahil sa superyor na taktika ng hukbong bayan at suportang masa:

Noong Abril 7, 2016, sa Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte, nagpaabot na ang masa kaugnay sa kilos ng kaaway. Kagyat na nag-briefing ang komand at nagpasyang manatili lamang at ayusin ang depensa at maniobra kung sakaling mapalaban. Nasa estratehikong posisyon ang mga kasama kaya handa sila saan man posibleng bumungad ang kaaway. Bandang alas-10 ng umaga, muling nagpaabot ang masa na naglalakad ang kaaway papunta sa direksyon ng base. Muling nag-briefing ang komand para sa pagtiyak ng mga elemento ng bawat pormasyon.

11:30 ng umaga nang bumungad ang kaaway sa base ng kasama. Kagyat itong hinarap ng isang iskwad ng unang pormasyon at ng isang fire team ng pangalawang pormasyon. Pinasabog din ang CDX na nakakabit malapit sa pinasukan ng kaaway, habang ang ibang pormasyon ay nanatiling nakaposisyon. Nang maanalisa ng CO na nasa disbentaheng posisyon ang kaaway, pinamantini niya ang mga tim na humarap. Ilang minuto rin ang palitan ng putok, at mahusay na nakapanlaban ang mga kasama sa pamamagitan ng koordinadong paggalaw na bunga ng disiplinadong pagsunod ng mga kasama at mahusay na pakikipag-ugnayan ng CO.

Maya-maya’y nag-atas ang CO na magmaniobra na dahil malayo na ang putok mula sa kaaway na nagsipag-atrasan na. Ligtas na nakapagmaniobra ang mga kasama nang walang kaswalti. Mahusay din ang naibigay na suporta ng masa at Milisyang Bayan dahil matapos ang labanan, kaagad pinuntahan ng mga ito ang pinaglabanan. Ayon sa ulat nila, nagsipagtakbuhan at nagtago ang mga sundalo, kaya kaagad nakuha ng masa at mga MB ang mga naiwang bag at ilang bala ng kasama. Ayon pa sa kanila, may mga kaaway na kumpirmadong patay at mga sugatan.

Samantala, sinalubong din ng mga masang may dalang pagkain ang mga kasamang nagmaniobra sa di-kalayuan sa pinangyarihan. Tumaas ang moral ng mga kasama dahil sa mahusay at koordinadong pagdedepensa laban sa kaaway at sa ipinakitang suporta ng masa sa lugar, na nangangahulugan ng kahandaan ng masa na makiisa sa hukbo sa paglulunsad ng Digmang Bayan.

Ipinapakita ng mga ito na sa pakikipagkaisa ng inaaping mamamayan at pamumuno ng Partido, tiyak na bibiguin ng Bagong Hukbong Bayan ang anumang pagtatangka ng rehimeng US-RP, sa patuloy na paggamit ng kanyang pangil na AFP laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa walang-habas na panunupil sa mamamayan.

Paalabin ang diwang mapanlaban ng mga pulang mandirigma at kumander ng Bagong Hukbong Bayan!
Suportang masa’y patuloy na palakasin!


*SPARU - Special Partisan Unit; mga ispesyal na aksyong opensiba sa mga sentro o kalunsuran

No comments: