Mula kay Ka Jas, para sa mga kasama

ISYU 2 LIHAM


Mahal kong mga kasama,

                Kumusta kayo? Hangad ko na ligtas kayo sa anumang banta ng pasistang kaaway. Kami, ito, nasa maayos naman na kalagayan. 

         Antukin pa din ba si ka Val? Si Ka Dong, hindi pa ba nagbabago sa pagiging bolero? Ay, bago ko makalimutan, si Ka Bill, may buhok na ba?

                Ay naku, nakakamis ang mga kasama d’yan. Pero bahagi ito ng ating paglingkod sa mamamayan.  Minsan, kailangan talagang maghiwa-hiwalay para sa pagpapatuloy ng tungkulin. Kagaya n’yo, masasaya ding kasama ang mga bago kong kolektibo dito.  Maging ang mga masa nakakatuwang katalakayan at makikita talaga sa kanila ang pagsuporta at pagpursigesa mga nakaatang na gawaing pang-organisasyon.

                Medyo mahaba-haba na ang sulat ko.  Pa’no ‘yan, sa susunod naman. Mag-ingat tayo at patuloy na magpakatatag sa hamon ng buhay. O sige na, talagang kinukulit na kaya ako ni Ka Doy.  Tutulong kami magtanim ng palay sa masa.

Hanggang tagumpay,
Ka Jas


NILALAMAN ng ISYU 2:

PAMBUNGAD

TULA
Kilusang Talsik
Kababaihan
Ang Hukbo ng Sambayanan
Kabataan
Mahal Kong Bayan
Masang Manggagawa
Mga Larawang Nagsasalita
Pilipino: Pulubing Nakaupo sa Ginto
Puso
Tula ng Pagkamulat
Ama Partido (Ang Partido)
Talsik
Tigsik sa Estado


KWENTONG BUHAY
Apat na Kasama, Iisang Landas

LIHAM
Mula kay Ka Aksel Santiago, para sa kanyang mga magulang

Mula kay Ka Jas, para sa mga kasama
Mula kay Ka Efren, para sa kanyang ina
Mula kay Ka Gigs, paa sa kanyang kapatid
Mula kay Ka Juck, para sa kanyang ina

KWENTONG KUSINA
Teka, Teka, Tumalsik!

Itlog

MAIKLING KWENTO / DAGLI
Ang Pagtatanggol ng Misis sa Kanyang Mister

Si Beki
Ubod


DULA
Putak
Ang Kwintas ni Andres


PARANGAL
Aldrin "Ka Tito" Briones

REPORTAHE
Serye ng Kampanya ng mga Kadre ng Partido sa Iba't Ibang Gawain, Isinulong
Armadong Pakikibaka, Paigtingin


AWIT
Mahal na Kasama
Anak Noh Banwa 


PASASALAMAT


 
Download ISYU2 Balik sa ISYU2

ISYU1: Disyembre 2014
ISYU2: Hunyo 2015
ISYU3: Disyembre 2015
ISYU4: Setyembre 2016
ISYU5: Hunyo 2017 
ISYU6: Disyembre 2017




No comments: