Kilusang Talsik


ni Ka Criselda Magbanua
Aug 7, 2014  4PM
ISYU 2 TULA





Tulad ng duli-duli o  kuliglig*
kahit napakaliliit
ay nakalilikha ng iba’t ibang tinig

Tila isang konsyerto kapag sabay-sabay
may mahina, may malakas
musika kapag nagsasalimbayan

Walang pinipiling oras
saan mang dako
Walang puwang, tuloy-tuloy
Walang tigil, ni pahinga.

Tulad nila
Ang walang tigil na  protestang masa
… ang malaganap na taktikal na opensiba

Para patalsikin  ang rehimeng tuta,
mapanlinlang,
sinungaling
at pasista!

*kuliglig - Cicada (cricket)


No comments: