ANG NAGKAKAISANG PRENTE SA GAWAING PANGKULTURA



 Oktubre 30, 1944
 
Ang pananalitang ito'y ibinigay ni Kasamang Mao Zedong sa isang  kumperensya ng mga manggagawang pangkultura at pang-edukasyon sa Rehiyon sa  Hangganang Shensi-Kansu-Ningsia.

Ang layunin ng lahat ng ating gawain ay ang pagbagsak sa imperyalismong Hapones. Tulad ni Hitler, patungo sa kanyang wakas ang imperyalismong Hapones. Subalit dapat nating ipagpatuloy ang ating mga pagsisikap, dahil tanging sa ganito lamang makakamit natin ang ganap na pagpapabagsak nito. Sa ating gawain, ang digmaan ang una, tapos ang produksyon, at pagkatapos ang gawaing pangkultura.  Ang isang hukbo na walang kultura ay isang hukbong mapurol-ang-isip, ang isang hukbong mapurol-ang-isip ay di makagagapi sa kaaway.

Ang kultura sa mga Pinalayang Purok ay mayroon nang angking progresibong bahagi, subalit mayroon pa itong atrasadong  bahagi. Ang  mga Pinalayang Purok ay mayroon nang bagong  kultura,  isang kulturang  bayan, subalit nabubuhay pa rin ang maraming  labi  ng pyudalismo. Sa hanay ng 1,500,000 mamamayan ng rehiyong Hangganan ng  Shensi-Kansu-Ningsia  mayroong higit  1,000,000  di  marunong bumasa  at sumulat, may 2,000 propesyunal na mangkukulam  at  ang malawak na masa ay nasa impluwensya pa ng  superstisyon. Ang  mga  ito  ay  kaaway  sa loob ng isipan ng  mamamayan.  Kadalasan  mas mahirap  bakahin ang mga kaaway sa loob ng isipan  ng  mamamayan. Kadalasan mas mahirap bakahin ang mga kaaway sa loob ng isipan ng mamamayan na bumangon kaysa ang labanan ang imperyalismong Hapones.  Dapat  manawagan tayo sa mamamayan na  bumangon  para  sa pakikibaka  laban  sa sariling kamangmangan, superstisyon  at  di pagbabasa  ng pahayag at mga klase sa pagbabasa at  pagsulat.  Di lamang dapat tayong magkaroon ng mga modernong  tipong  paaralan kundi  dapat nating gamitin at itransporma ang mga  lumang-tipong paaralang pambaryo. Sa sining, hindi lang tayo dapat magkaroon ng mga  makabagong  drama kundi pari na rin ang  operang  Shensi  at sayaw  na  Yangko. Di lamang dapat tayo magkaroon ng  bagong  mga operang  Shensi at bagong mga sayaw na Yangko, subalit dapat  din natin  gamitin at hakbang-hakbang na itransporma ang  mga  lumang kampanyang  opera at mga lumang tropang Yangko, na bumubuo ng  90 porsyento ng lahat ng tropang Yangko. Ang paraang ito ay higit na kinakailangan sa larangan ng medisina. Sa Rehiyon ng  Hangganang Shensi-Kansu-Ningsia, ang tantos ng pagkamatay ng hayop at tao ay kapwa  napakataas,  at  kaalinsabay nito, maraming  mga  tao  ang naniniwala  pa rin sa pangkukulam. Sa gayong mga sirkunstansya, ang pag-asa sa mga makabagong doktor ay hindi solusyon.  Siyempre pa,  ang mga makabagong doktor ay maraming mga bentahe  laban  sa mga doktor ng lumang tipo, subalit kung wala silang  pagmamalasakit  sa  mga  paghihirap ng mamamayan, hindi  nagsasanay  ng  mga doktor  para sa mamamayan, hindi nakikipagkaisa sa libo at  higit pang  doktor  at  mga beterenaryo ng lumang  tipo  sa  Hangganang Rehiyon  at hindi tumutulong para sa umunlad, sa gayon aktwal  na tutulong pa sila  sa mga mangkukulam at magpapakita ng  kawalang-bahala sa mataas na tantos ng pagkamatay ng tao at hayop. Ito ang dalawang mga prinsipyo para sa nagkakaisang prente: ang una   ay makipagkaisa, at ang ikalawa ay mamuna, magturo at maghubog.  Sa nagkakaisang prente, ang kapitulasyunismo ay mali, at gayon din ang sektaryanismo na may pagkamakasarili at paghamak sa iba.  Ang ating tungkulin ay makipagkaisa sa lahat ng mga intelektwal, mga artista at doktor ng lumang-tipo na maaaring  kapaki-pakinabang, tulungan sila, pagbaguhin-ng-loob at hubugin. Upang mahubog sila, kinakailangan muna nating makipagkaisa sa kanila.  Kung gagawin natin ito nang maayos, tatanggapin nila ang tulong.

Ang  ating  kultura ay kultura ng mamamayan; ang  ating  mga manggagawang  pangkultura ay dapat maglingkod sa  mamamayan  nang buong  sigla at karaparan, at dapat nilang iugnay ang  sarili  sa masa, hindi ihiwalay ang sarili sa masa. Upang magawa ito, dapat silang kumilos   alinsunod sa pangangailangan at kagustuhan ng masa.  Lahat ng ating gawain para sa mga masa ay dapat  magsimula sa kanilang mga pangangailangan at hindi sa pagnanais ng sinumang indibidwal,  kahiman   gaano  kabuti  ang  intensyon.  Nangyayari madalas na sa obhetibo kinakailangan ng masa ang isang pagbabago, subalit sa suhetibo hindi pa sila mulat sa pangangailangan, hindi pa nila nais o determinadong gumawa ng pagbabago. Sa gayong mga kaso, dapat tayong matiyagang maghintay. Hindi tayo dapat  gumawa ng pagbabago hangga't, sa pamamagitan ng ating gawain,  karamihan ng  masa  ay naging mulat na sa pangangailangan at  nagnanais  at determinadong   ipatupad  ito. Kung hindi, ihihiwalay  natin  ang ating  sarili  sa masa. Hangga't hindi sila mulat  at  nagnanais, anumang klase ng gawain na nangangailangan ng kanilang partisipasyon   ay  magiging isang simpleng pormalidad  at  mabibigo.  Ang kasabihang "ang pagmamadali  ay hindi magdudulot ng tagumpay"  ay hindi  nangangahulugan  na hindi dapat  tayong  magmadali,  kundi  hindi  dapat  tayong  maging mapusok; ang  kapusukan  ay  tutungo lamang  sa  kabiguan. Totoo ito sa anumang uri ng gawain,  at  sa partikular  sa  paghuhubog  ng pag-iisip ng  masa.  May dalawang prinsipyo dito: ang isa ay ang aktwal na pangangailangan ng  masa imbes  na kung ano ang iniisip nating kailangan nila, at ang  isa ay ang tayo ang nagbubuo ng pasya para sa kanila.##

No comments: